Wednesday, August 30, 2006

tagalog

siyam na taon pa lang ako nang lumipat kami sa valdefuente mula gen. tinio st., nagkaroon ako ng mga bagong kalaro, ang isa ay si Ogot na inakala kong August ang buong pangalan (Edgardo pala), ang isa naman ay si 'Usto na inakala ko namang Justo ang pangalan (August pala)



isang buwang singkad na hindi ko nasundan uli ang aking huling tala, maiiling kang talaga sa isipin na napakadaling tangayin ang diwa ng samutsaring nagsasalimbayang mga pamukaw- at pambihag-pansin sa makabagong daigdig kung kaya't may pagkagulat ka pang maiino na isang buwan na pala uli ang nalipad ng panahon



O!O
---


ang wikang tagalog ay patuloy na sinisira ng
texting, nakararaming mga artista, manunulat, mangaawit, mamamahayag at oo, mga guro sa lahat ng antas ng edukasyon, nakita ng unggoy gagawin ng unggoy


O!O
---

may pilantik ng lungkot ang malaman na ang pluto na bahagi ng agham-pangkalawakan ng salinlahing kinabibilangan ko ay inalisan na ng katayuang planeta ng mga dalubhasang "may kapangyarihan" batay sa mga pamantayang sila-sila rin ang bumuo

O!O
---


kamatayan ni ninoy noong ika-21, wala pa kong muwang noong 1983, unang taon ko pa lang noon sa hayskul at sa pagiging isang tinedyer, makahulugan daw ang kamatayang yaon ng isang dakilang pilipino, naging daan daw yaon ng paglaya ng pilipinas... wala akong alam at wala akong maunawaan sa pinagsasabi nila hangang ngayon


O!O
---


"ang kalayaan ay ginagawa" - lolita carbon (lokal brown)


- -
---

No comments: